Ligtas na data system para sa national ID system, pinatitiyak ni Duterte

By Chona Yu February 07, 2019 - 06:50 PM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na tiyakin na ang ‘best’ at ‘safest’ na data system ang gamitin sa national ID system.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ibinigay ng pangulo ang natirang direktiba sa cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Panelo, base sa report ni National Statistician Lisa Bersales, sinabi nito na uumpisahan ng kanilang hanay ang implementasyon ng national ID system sa September 2019 at target ang P6 milyon sa Filipino.

Pero iginiit aniya ni National security adviser secretary Hermogenes Esperon Jr. na kritikal sa seguridad ang national ID system.

Kaya iminungkahi aniya ni Esperon na pangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatupad ng mga hakbang para bigyang-seguridad ang mga data.

Sa ilalim ng national ID system, isang uri ng identification card na lamang ang gagamitin ng mga Filipino para sa lahat ng uri ng transaksyon sa gobyerno.

TAGS: national ID system, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, national ID system, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.