PAO Chief Acosta ipinagtanggol ng DOJ sa tinatanggap na sisi sa pagdami ng kaso ng tigdas

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2019 - 12:29 PM

Ipinagtanggol ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta sa pagsisi sa kaniya ng Department of Health (DOH) hinggil sa takot ng publiko sa bakuna.

Ayon kay Guevarra, ginagawa lamang ni Acosta ang kaniyang trabaho at walang layunin na takutin ang publiko hinggil sa iba pang mga bakuna na epektibo naman.

Dagdag pa ni Gueverra magsasagawa naman na ng kampanya ang Department of Health, base na rin sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipaalam sa publiko na ligtas ang bakuna kontra tigdas.

Samantala, sinabi ni Guevarra na inatasan na niya ang mga piskal na humahawak sa mga kasong may kaugnayan sa Dengvaxia na resolbahin na ang mga ito ngayong buwan.

Mayroon ngayong 30 reklamona inihain ng mga pamilya ng mga batang nasawi sa tulong ng PAO na nakabinbin sa DOJ.

TAGS: Dengvaxia Vaccine, department of justice, Measles, Persida Rueda Acosta, Radyo Inquirer, Dengvaxia Vaccine, department of justice, Measles, Persida Rueda Acosta, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.