Nakaraang apat na taon, naging pinakamainit sa kasaysayan – UN

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern February 07, 2019 - 11:55 AM

Kinumpirma ng United Nations na ang nakaraang apat na taon ang naging pinakamainit simula ng itala ng pandaigdigang temperatura.

Ayon sa UN World Meteorological Organization, ang taong 2018 ang pang-apat sa pinakamainit na taon sa kasaysayan ng mundo.

Ito ay indikasyon na kailangan ng agarang aksyon upang mapigilan ang patuloy na global warming.

Ang 2016 naman ang pinakamainit na taon sa tala.

Sinabi ni WMO Secretary-General Petteri Taalas na patindi ng patindi ang bilis ng pag-init sa nakaraang apat na taon sa kalupaan at karagatan.

Sinabi rin niya na ang pagtaas ng temperatura ay nag-aambag sa bilang ng matinding mga kalamidad tulad ng mga bagyo, tagtuyot at flash floods.

TAGS: drought, global warming, Radyo Inquirer, United Nations, drought, global warming, Radyo Inquirer, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.