General Luna, Surigao Del Norte niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2019 - 09:37 AM
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng General Luna sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 48 kilometers southeast ng General Luna alas 8:38 ng umaga ng Huwebes, Feb 7.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 12 kilometers.
Ayon sa Phivolcs hindi inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian ang naturang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.