Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa lalawigan ng Quezon, Miyerkules ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 21 kilometers Southwest ng Padre Burgos dakong 2:01 ng hapon.
May lalim itong 5 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.