Utak ng pagsabog sa Jolo, bagong ISIS emir sa Pilipinas
Ang Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Hatib Sawadjaan ang bagong lider ng ISIS sa Pilipinas, ayon sa bagong quarterly report ng US Department of Defense.
Nakasaad sa lead inspector general report to the US Congress mula October hanggang December 2018 na si Sawadjaan ang acting emir ng ISIS sa bansa.
Naniniwala ang United States Indo-Pacific Command na si Sawadjaan, ang sub-unit commander ng ASG, ang siyang acting emir.
Si Sawadjaan ang umanoy mastermind ng magkasunod na pagsabog sa cathedral sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 23 at ikinasugat ng 90 iba pa.
Sumuko ang limang suspek pero 14 pa kabilang si Sawadjaan ang nananatiling at large.
Samantala, kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año ang naturang US report.
Ayon kay Año, si Sawadjaan na ngayon ang overall leader ng ISIS-Mindanao.
Hindi anya nanumpa si Sawadjaan ng katapatan sa ISIS at tradisyunal pa rin itong ASG leader pero nang mamatay si Isnilon Hapilon ay si Sawadjaan ang naging lider ng mga bandido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.