PNP: Pagsabog sa Lanao del Norte, pananakot lamang sa BOL plebiscite

By Angellic Jordan February 06, 2019 - 10:42 PM

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na maaaring nais lamang may manakot sa ikalawang plebisito ng Bangasamoro Organic Law (BOL).

Ito ang naging pahayag ni Albayalde sa naganap na tatlong pagsabog sa Lanao del Norte.

Magkakahiwalay na pagsabog ang naganap sa bisperas ng plebisito partikular sa mga bayan ng Dimaporo, Lala at Kauswagan.

Ayon sa opisyal, sinabi ng Provincial Police Director na wala pang nakikilalang suspek sa mga pagsabog.

Ngunit dalawang persons of interest na ang kanilang binabantayan.

Sa ngayon, sinabi ng PNP chief na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa mga pagsabog.

TAGS: 2nd BOL plebiscite, Bangsamoro Organic Law, BOL, Lanao del Norte, pagsabog, PNP chief Oscar Albayalde, 2nd BOL plebiscite, Bangsamoro Organic Law, BOL, Lanao del Norte, pagsabog, PNP chief Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.