Lapeña, inabswelto ng 2 komite ng Kamara sa drug smuggling
Walang nakita ang dalawang komite sa Kamara na may pananagutan si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña sa pagpuslit ng bilyong pisong halaga ng droga sa bansa noong nakaraang taon.
Inaprubahan ng committee on dangerous drugs and good government at public accountability ang report ng imbestigasyon na nakasaad sa House Resolution No. 2068 ni Marikina Rep. Miro Quimbo.
Inimbestigahan ng Kamara ang umanoy kabiguan ng Bureau of Customs (BOC) na mapigilan ang large scale smuggling ng iligal na droga sa bansa.
Walang inirekomendang parusa o kaso ang committee report laban kay Lapeña na ngayon ay director general na ng Technical Education and Skill Development Authority (TESDA).
Pero nakasaad sa report ng House panels na dapat imbestigahan at kasuhan si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban, dating police Sr. Supt. Eduardo Acierto at dating Deputy Director Ismael Fajardo.
Kaugnay naman ng 2 magnetic lifters na nadiskubre sa Manila International Container Port (MICP), sinabi ng 2 komite na nilabag nina Vedasto Baraquel, Guban, Fajardo at Acierto ang Section 4 ng Republic Act No. 9165.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.