Panelo: “Disgruntled at failed politician si Sen. De Lima”

By Chona Yu February 06, 2019 - 03:34 PM

Inquirer file photo

Wala nang balak ang palasyo ng malakanyang na patulan pa ang mga banat ni Senador Leila De Lima.

Ayon kay presidential spokesman Salvador panelo, masayang susundin ng palasyo ang hiling ni De Lima na huwag na siyang pansinin matapos aminin na isa na siyang irrelevant political entity o wala nang saysay.

Sinabi pa ni Panelo na disgruntled at failed politician si De Lima kung kaya hindi na dapat na bigyan ng komento ang mga banat kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang administrasyon.

Magugunitang kinastigo ni De Lima ang pangulo dahil sa umano’y sablay na pagpapatupad ng martial law sa Mindanao dahil nalusutan sila ng mga terorista na nauwi sa Jolo, Sulu bombing.

Paulit-ulit ring sinasabi ng nakakulong na senador na palpak ang anti-drug campaign ng pamahalaan na lalo anyang nagpalala sa human rights violation sa bansa.

TAGS: de lima, drugs, duterte, Martial Law, panelo, de lima, drugs, duterte, Martial Law, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.