Miyembro ng Abu Sayyaf patay sa engkwentro sa Sulu
Napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group at Special Action Force ang isang miyembro ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.
Inilunsad ang manhunt operation laban sa suspek na si Alex Habbibondin alyas Amah Alex sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ng korte sa Jolo noong pang Feb. 7, 2012.
Ayon sa mga otoridad, natunton nila ang kinaroroonan ni Habbibondin sa Sitio Barrio Militar kaya agad silang nagkasa ng operasyon, Miyerkules (Feb. 6) ng madaling araw.
Gayunman, nauwi sa operasyon ang pagsisilbi sana ng arrest warrant matapos manlaban si Habbibondin.
Dead on the spot ang suspek.
Nakuha sa kaniya ang isang caliber 357 magnum.
Ayon sa CIDG, si Habbibondin ay sangkot sa engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf at mga tauhan ng Philippine Army sa Jolo, Sulu noong February 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.