SUV driver patay sa pamamaril sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 06, 2019 - 07:55 AM

Patay matapos pagbabarilin ang isang SUV driver ng isang hindi pa nakikilalang suspek, sa isang intersection sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Roxan Magno na itinakbo pa umano sa ospital subalit dead on arrival na umano ang driver.

Narekober naman ni Police Chief Inspector Elmer Monsalve ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang surveillance videos sa ibang residente at establisyemento sa lugar habang nangyayari ang insidente ng pagnanakaw ng mga suspek.

Sa isang CCTV footage, makikitang may dalawang hindi kilalang mga lalaki na nakatayo sa sidewalk.

Nang nakitang paparating na ang SUV na sakay ni Magno, huminto ito at isa sa mga suspek na may dalang kalibre 45 ay pumunta sa may passenger side ng sasakyan.

Sa isa pang CCTV, makikitang ang isang kasama ni Magno na isang junk-shop worker din umano na si Darwin Vianzon habang papalabas ng sasakyan na nasa aktong pagtakas.
Hinarang naman siya kaagad ng suspek at tinutukan ng baril

Natangay ang bag ni Vianzon na may laman na nagkakahalaga ng P60,000.00.

TAGS: ambush, quezon city, Radyo Inquirer, ambush, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.