40 katao arestado dahil sa pagyoyosi sa pampublikong lugar sa QC
Arestado ang 40 katao sa Quezon City dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Ayon sa Cubao Police Station, ang mga nahuli ay naaktuhang naninigarilyo sa iba’t ibang bahagi ng Cubao habang nag-aabang ng kanilang nasasakyan.
Binigyan ng environmental violation receipt ang 40 katao at saka isinailalim sa profiling.
Kailangan din nilang magbayad ng multa sa City Hall na nagkakahalaga ng P1,000.
Kung hindi babayaran ang multa ay lilitaw ang violation sa kanilang records sa sandaling kumuha sila ng police clearance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.