2 suspek sa pagsabog sa mosque sa Zamboanga kinasuhan na

By Rhommel Balasbas February 06, 2019 - 03:53 AM

Nagsampa na ng mga kasong kriminal ang Zamboanga City Police laban sa dalawang itinuturong nasa likod ng pagpapasabog sa mosque sa Brgy. Talon-Talon noong January 30.

Ayon kay City Police Director Sr. Supt. Thomas Joseph Martir, inihain na sa City Prosecutor’s Office ang mga kasong double murder at multiple frustrated murder laban sa mga suspek.

Personal anyang itinuro ng isang testigo ang dalawang suspek na hindi muna pinangalanan dahil hinihintay pa ang korte na maglabas ng arrest warrant laban sa mga ito.

Nakita anya ng nasabing testigo na agad na umalis sa lugar sakay ng motorsiklo ilang segundo bago ang pagsabog.

Personal na kakilala umano ng testigo ang mga suspek dahil nakatira sila sa iisang village malapit sa mosque.

Hindi pa matiyak ang motibo ng dalawa sa pagpapasabog sa mosque na ayon kay Martir ay posibleng sinakyan lamang ang mga pagsabog sa Jolo Cathedral.

Giit pa ng opisyal, hindi konektado sa anumang terrorist group ang mga suspek ngunit dati nang nakulong ang mga ito dahil sa mga kasong murder at frustrated murder at nakalaya lang taong 2016.

TAGS: mosque, pagsabog, Teroristang Grupo, Zamboanga City, mosque, pagsabog, Teroristang Grupo, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.