Lider ng sindikato, patay sa buy bust sa Caloocan

By Rhommel Balasbas February 06, 2019 - 01:18 AM

Patay sa buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Detective Special Operations Unit (DSOU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Northern Police District (NPD) ang isang lider ng sindikato sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Romeo Carlos, 36 anyos, lider ng Eman Carnapping, Gun Running at Illegal Drugs Criminal group.

Ayon sa NPD, notoryus din na drug pusher si Carlos sa Barangay 12 at mga kalapit na lugar ng Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area.

Tinangkang bumili ng mga pulis ng hindi lisensyadong baril sa suspek.

Gayunman, nang matunugan na pulis ang kanyang mga katransaksyon ay nauwi ang operasyon sa engkwentro at nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Nakuha mula sa suspek ang isang pirasong kalibre .39 ng baril na walang serial number, mga bala at basyo ng bala.

Narekober din ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P15,000.

TAGS: buy bust, Eman Carnapping, Gun Running at Illegal Drugs Criminal group, sindikato, buy bust, Eman Carnapping, Gun Running at Illegal Drugs Criminal group, sindikato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.