Ikinatuwa ng Malacañang ang patuloy na pagbagal ng inflation sa bansa.
Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 4.4 percent lamang ang inflation noong January 2019 kumpara sa 5.1 percent na naitala noong December, 2018.
Magugunita rin na umabot pa sa 6.0 percent noong Nobyembre ng nakaraang taon ang inflation na nagdulot ng lao pang pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magandang balita ito dahil nailalatag na ng pangulo ang pundasyon para mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.
Gayunman, sinabi ni Panelo na hindi pa rin magpapaka kampante ang administrasyon at patuloy na pagsusumikapan na mapaganda pa ang ekonomiya ng bansa at maramdaman ang bunga nito ng ordinaryong consumers.
Mananatili aniyang magbabantay at imomonitor ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing bilihin habang patuloy na tutugunan ang kahirapan at pagkagutom ng mga Filipino.
Ayon kay Panelo, dumaan sa matinding pagsubok ang administrasyon noong nakaraang taon matapos tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Subalit dahil sa hindi nag-alinlangan at hindi natakot ang pangulo kaya nalagpasan ang naturang pagsubok at naibaba ang presyo ng mga bilihin.
“We will remain on guard in monitoring the prices of basic goods and commodities as we aim to mitigate poverty and hunger, driven by the President’s economic goal to lay down and build the foundation to a comfortable life for the present and future generations” Pahayag pa ni Panelo.
Mananatili aniyang naka focus ang administrasyon sa pagtugon sa mga problema sa bansa ayon pa sa kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.