Miss Universe 1993 Dayanara Torres may skin cancer
Na-diagnose sa sakit skin cancer si Miss Universe 1993 Dayanara Torres.
Ibinahagi ni Torres ang balita sa kaniyang Instagram Account.
Sinabi ni Torres na nagsimula ang sakipt sa isang malaking nunal na hindi niya naman pinansin sa kabila ng patuloy nitong paglaki sa nagdaang mga taon.
Ilang beses aniya siyang hinimok ng kaniyang fiance na magpatingin sa duktor.
Matapos ang biopsy at ikalawang surgery noong Martes, sinabi ni Torres na nagpositibo siya sa ‘melanoma’.
Sa ngayon sinabi ni Dayanara na hinihintay nila kung anong treatment ang ibibigay sa kaniya, bagaman naalis na ang malaking bahagil ng bukol sa likuran ng kaniyang tuhod.
Sa huli, pinayuhan ni Dayanara ang kaniyang followers na alagaan ang sarili.
Anumang kakaibang maramdaman sa katawan ay dapat aniyang ipasuri agad.
Si Dayara ay namalagi noon sa Pilipinas at nag-artista dito matapos manalong Miss Universe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.