Lorenzana: US tinutulungan ang Pilipinas sa laban sa terorismo
Tinutulungan umano ng Estados Unidos ang Pilipinas sa paglaban sa terorismo sa bansa ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Ayon kay Lorenzana, sa kampanya ng bansa kontra terorismo ay may tulong na nagmumula sa Amerika.
Mayroon anyang US team na nasa Mindanao na tumutulong sa bansa bago pa ang pagsabog sa Jolo, Sulu noong nakaraang linggo na ikinamatay ng mahigit 20 katao.
Sinabi ng kalihim na agad tumulong ang US kabilang ang pag-trace sa mga terorista.
Bukod anya sa pamamahagi ng intelligence information ay ginagamit ng Amerika ang assets nito para sa airlift ng mga nasugatang tropa ng gobyerno sa Zamboanga City sa gitna ng patuloy na opensiba sa lalawigan.
Dagdag ni Lorenzana, maski ang Singapore, Malaysia at Indonesia ay tumutulong sa bansa sa pagbibigay ng intelligence information kaugnay ng pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.