Batas na humahati sa Southern Leyte sa dalawang distrito pirmado na ni Duterte
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na humahati sa lalawigan ng Southern Leyte bulang dalawang legislative districts.
Sinabi ng Malacañang na nilagdaan ang pangulo ang Republic Act 11198 noong February 1 o tatlong buwan bagong ang May midterm elections.
Laman ng nasabing batas na mapapasa-ilalim sa first legislative district ang Maasin City at ang mga bayan ng Macrohon, Padre Burgos, Limasawa, Malitbog, Tomas Oppus at Bontoc.
Samantalang ang mga bayan ng Sogod, Libagon, Liloan, San Francisco, Pintuyan, San Ricardo, Saint Bernard, Anahawan, San Juan, Hinundayan, Hinunangan at Silago at mapapasama naman sa second legislative district.
Nakasaad rin sa Republic Act 11198 na ang kasalukuyang lone district representative sa Kamara ang siyang pansamantalang magiging caretaker sa nasabing mga distrito hangga’t hindi pa nahahalal ang magiging kinatawan ng mga ito sa kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.