Hall of Justice ng Taguig binulabog ng bomb threat

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2019 - 11:49 AM

Nasuspinde ang trabaho sa Taguig City Hall of Justice matapos itong makatanggap ng bomb threat.

Isang text ang natanggap ng isa sa mga empleyado alas 8:30 ng umaga dahilan para alertuhin ang mga otortidad.

Agad namang nag-deploy ng bomb squad at K-9 units at ginalugad ang buong gusali.

Nag-negatibo sa bomba ang gusali at alas 10:00 ng umaga ay naibalik na sa normal ang operasyon sahall of justice.

Kahapon, araw ng Linggo, nabulabog din ang bahagi ng Barangay Bangkal sa Makati City dahil sa isang abandonadong gamit.

Ayon sa mga tauhan ng Makati Explosive and Ordnance Division, ang bagahe ay iniwan ala 1:15 ng hapon sa Magallanes Interchange.

Noong araw din na iyon, may kumalat na text message na nagsasabing mayroong bomba na nakatanim sa Bangkal Barangay Hall.

Sinuri ng EOD team ang barangay hall at nag-negatibo ito sa bomba.

Wala ring nakitang anumang kahina-hinalang bagay sa bagahe na iniwan sa Magallanes.

TAGS: bomb scare, Radyo Inquirer, Taguig City Hall of Justice, bomb scare, Radyo Inquirer, Taguig City Hall of Justice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.