Patay sa sunog sa Cainta, Rizal nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2019 - 09:52 AM

Marikina Filipino Chinese Fire Volunteer Photo

Umabot na sa 2 ang bilang ng nasawi sa sunog na naganap sa Cainta, Rizal.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, maliban sa 81 anyos na si Maria Refol Cabucas, nasawi rin ang isang 26 anyos na si John Bell Lorenzo.

Sa panayam ng INQUIRER.net kay Fire Senior Insp. Erichson Malamig, ang katawan ni Cabucas ay na-recover noong Linggo habang Lunes na ng umaga nakuha ang katawan ni Lorenzo.

Kapwa halos hindi na aniya makilala ang bangkay ng dalawa dahil sa tinamong sunog.

Naganap ang sunog sa kanto ng Ortigas Avenue at Felix Avenue.

Umabot sa 800 pamilya ang naapektuhan na pansamantalang naninirahan ngayon sa covered court sa Barangay Sto. Domingo.

Ayon kay Mayor Kit Nieto ng Cainta, nagsimula na ngayong umaga ang restoration sa mga nasunog na bahay.

Pagkakalooban din ng emergency employment ang mga apektadong residente at suswelduhan sila sa pagtayo muli ng kanilang bahay gamit ang mga materyales na ibibigay ng lokal na pamahalaan.

TAGS: cainta, fire incident, Radyo Inquirer, cainta, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.