Pope Francis nasa UAE na para sa kanyang makasaysayang Papal Visit

By Rhommel Balasbas February 04, 2019 - 04:01 AM

Nakarating na sa United Arab Emirates (UAE) si Pope Francis para simulan ang kanyang makasaysayang Papal Visit.

Si Pope Francis ang kauna-unahang Santo Papa na nakarating sa Arabian Peninsula.

Inimbitahan ni Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed al-Nahyan ang lider ng Simbahang Katolika para lumahok sa isang interreligious conference.

Bago ang kanyang pagbisita ay nagbigay na ng mensahe si Pope Francis para sa UAE.

Sa isang video message, sinabi ng pontiff na ang pananampalataya sa Diyos sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagdudulot ng pagkakaisa-isa at hindi pagkakawatak-watak.

Tampok din sa pagbisita ni Pope Francis ang Papal Mass bukas araw ng Martes.

Inaasahang dadaluhan ito ng higit 120,000 Katoliko mula sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan.

Nasa isang milyon ang Katoliko sa UAE na karamihan ay mula sa Pilipinas at India.

TAGS: Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed al-Nahyan, First papal visit in Arabian Peninsula, Interreligious conference, Pope Francis in UAE, Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed al-Nahyan, First papal visit in Arabian Peninsula, Interreligious conference, Pope Francis in UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.