Pangulong Duterte nananatiling malusog ayon sa Malacañang
Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at tinawag na peke ang umano’y balitang patay na ito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kagagawan lamang ito ng mga taong hindi matanggap na nagtatagumpay ang pangulo sa pagpapatupad ng mga reporma lalo na para wakasan ang iligal na droga, korapsyon, kriminalidad at karahasan.
Ang intensyon lamang anya ng mga taong ito ay magdulot ng takot sa mayorya ng mga Filipino na gusto ang hindi pangkaraniwan ngunit epektibong uri ng pamamahala ni Duterte.
“Rumors circulating in social media that PRRD is seriously ill or that he just passed away are fake news peddled by certain persons who cannot accept the fact that we have a President who, not only is unstoppable in changing the landscape and culture of politics in this country as well as putting an end to the drug menace, corruption, criminality and rebellion, but who appears to be indestructible and apparently immune from serious illness despite his punishing schedule that when they hear PRRD cancelling a day’s activities, they use it as an excuse to spread the false news that he is either in serious health condition or has passed away. Obviously, the intention is to bring anxiety and apprehension to the majority of the Filipinos who believe and admire his unorthodox but effective type of governance,” ani Panelo.
Tiniyak ni Panelo na maayos ang kalusugan ni Duterte at nagpapahinga lamang sa kanyang tahanan sa Davao dahil sa hectic schedule na haharapin nito ngayong linggo.
Sorry na lamang anya sa mga humihiling na magkasakit at gumagawa ng tsismis sa presidente.
Nagpasalamat naman ang Malacañang sa mga nagdarasal para sa kalusugan ni Duterte para matupad nito ang kanyang mga pangako para sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.