Duterte, mariing pinabulaanan ang kumakalat na balitang patay na siya
Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kumakalat na post sa Facebook na patay na siya.
Sa video post sa Facebook ng kanyang live-in partner na si Honeylet Avancena, ipinakita nito na kaharap niya sa lamesa ang pangulo hawak ang isang newspaper na ngayon ang issue.
Sa video, makikita naman na nagsasalita ang pangulo at hiniling sa mga naniniwala na patay na siya na ipagdasal ang kanyang kaluluwa.
Sa isa pang video, pabiro pang sinabi ng pangulo na tatanungin niya kung available sa isang interview ang Panginoon.
Ayon sa pangulo, dadalhin niya ang pari, obispo at ang lahat.
Hinimok pa ng pangulo ang mga durugista sa Pilipinas na ilista na ang kani-kanilang wish dahil dadalhin niya ang listahan sa langit o sa impyerno.
Kumakalat ngayon sa Facebook na patay na umano ang pangulo at mahigpit na ang seguridad kay Vice President Leni Robredo.
Galing umano ang impormasyon sa kampo ng isang Koko. Hindi naman tinukoy ng post kung ang tinutukoy na Koko ay si Senador Koko Pimentel na kapartido ng pangulo sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Narito ang ilang bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte:
WATCH: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kumakalat na post sa Facebook na patay na siya | @chonayu1
Video courtesy: Honeylet Avancena pic.twitter.com/v0lPWOS0KS
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 3, 2019
WATCH: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naniniwalang totoo ang kumakalat na post sa Facebook na patay na siya | @chonayu1
Video courtesy: Honeylet Avancena pic.twitter.com/25dhqo3ZE4
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 3, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.