Mga sugatang sundalo sa Sulu, pinarangalan ng medalya
Pinarangalan ng medalya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga sugatang Scout Rangers na nakipagbakbakan kontra sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.
Tumanggap ang mga sugatang sundalo ng Wounded Personnel medal mula kay Western Mindanao Command (Wesmincom) commander Lt. Gen. Arnel dela Vega.
Isa-isang iginawad ni Lt. Col. Marlo Jomalesa, commander ng 5th Scout Ranger Battalion, ang mga medalya sa mga sugatang sundalo.
Limang sundalo ang nasawi habang 18 naman ang sugatan sa operasyon para mahuli si Abu Sayyaf leader Hajan Sawadjaan na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Napatay din ang tatlong miyembro ng ASG kabilang ang lider na si Black Moro.
Sa ngayon, patuloy ang pursuit operation ng militar kontra sa ASG sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.