Australia airport, pansamantalang isinara dahil sa bomb threat
Pansamantalang isinara ang Brisbane international airport sa Australia dahil sa bomb threat.
Nagdulot ito ng tensyon at panic sa mga tao sa paliparan.
Ayon sa Queensland state police, natagpuan nila ang isang kahina-hinalang bagay matapos rumesponde sa ulat na isang 50-anyos na lalaki na nagsasalita ng Arabic ang nagbanta sa isang babae sa terminal.
Mahaharap ang lalaki sa kasong domestic violence, sa bantang pagsira ng aviation facility at bomb threat.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nakatakdang humarap sa korte sa araw ng Lunes.
Matapos ang dalawang oras, muli nang binuksan ang naturang paliparan sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.