QCPD, iprinisinta ang 4 suspek sa pagpatay kay Beltran

By Angellic Jordan February 03, 2019 - 03:09 PM

Iprinisinta sa media ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na suspek at limang iba pa na itinuturong sangkot sa pagpatay kay barangay chairwoman Crisell “Beng” Beltran at drayber nitong si Melchor Salita sa Quezon City.

Nakilala ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga suspek na sina Teofilo Formanes, 48-anyos, at ang tatlong magkakapatid na sina Ruel Juab, 38-anyos; Orlando Juab, 32-anyos; at Joppy Juab, 28-anyos.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang 9mm pistols na kargado ng mga bala, calibre .38 revolver, Magnum calibre .22 revolver, isang hand grenade, limang cellphone at dalawang motorsiklo na nakitang ginamit sa krimen.

Dagdag pa ni Esquivel, dalawa pang suspek ang pinaghahanap ng mga otoridad.

Nagpasalamat din si Esquivel sa mga witness na nagbigay ng impormasyon para sa agarang pagresolba sa kasong pagpatay kay Beltran.

Samantala, sinabi naman ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na masyado pang maaga para irekomendang election hotspot ang lugar.

Patuloy pa rin aniyang inaalam ang motibo sa likod ng pananambang.

Noong Miyerkules (January 30), binaril ng riding in tandem si Beltran sa kaniyang SUV sa Barangay Bagong Silangan.

Si Beltran ay tumatakbong kongresista para sa nalalapit na 2019 midterm elections.

TAGS: Beng Beltran, QCPD, Beng Beltran, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.