Eroplano ng Turkish Air, binulabog ng bomb threat

By Chona Yu, Jay Dones November 22, 2015 - 06:54 PM

 

Mula sa google (file photo)

Na-divert ang biyahe ng Turkish Airlines matapos makatanggap ng bomb threat.

Nabatid na galing ng John F. Kennedy international airport sa New York at patungo sana ng Istanbul ang eroplano nang makatanggap ng bomb threat.

Dahil dito, na-divert ito patungong Halifax Stanfield International airport sa Canada.

Ligtas naman na nakapag-landing ang eroplano at na-itransfer sa ibang eroplano ang 256 na pasahero.

Noong nakaraang Martes, isang Air France flight 55 mula naman sa Dulles international airport ang na-divert din sa Halifax, matapos makatanggap din ng isang bomb threat na nagnegatibo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.