PDEA, sinunog ang P12M halaga ng marijuana sa Agusan del Sur
Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P12 milyong halaga ng marijuana na nakumpiska sa 6 na plantasyon sa Agusan del Sur.
Inabot ng 6 na araw ang PDEA bago narating ang plantasyon na mayroong aabot sa 10,000 ang tanim na marijuana.
Ayon kay PNP-Caraga regional director Chief Supt. Gilberto Cruz, sampung araw na nagtiyaga ang pulisya at mga tauhan ng PDEA at Philippine Army para marating ang taniman ng marijuana.
Kahit anya gumamit ang mga otoridad ng chopper ay nahirapan pa rin silang mag-land.
Iniimbestigahan ng otoridad ang may-ari ng plantasyon ng marijuana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.