Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong In-fa.
Dahil dito, tatawagin na itong bagyong ‘Marilyn’.
Batay sa 5PM update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,140 kilometro sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras at bugso na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.
Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyong west northwest sa bilis na 25 kph.
Dahil dito, asahan ang maulap at manaka-nakang pag-ulan at thunderstorms sa bahagi ng Mindanao, Bicol regionl Eastern at Central Visayas.
Magiging maulap din at bahagyang pag-ulan ang mararanasan sa mga lalawigan ng Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.