Mahigit 22,000 na trabaho, tampok sa SBMA job fair
Higit 22,000 trabaho ang maaaring applyan ng mga ‘skilled’ workers sa isang job fair na magaganap sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) gymnasium sa Subic sa February 9.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bukas ang naturang job fair para sa mga naghahanap ng trabaho sa Central Luzon at mga kalapit na lugar.
Hanap ng 77 kumpanya umano ay mga may kakayahan sa construction at kahalintulad na mga industriya.
Karamihan sa mga hinahanap ay carpenters, steel men, welders, pipe-fitters, scaffolders, painters, electricians, laborers at masons.
Iginiit ni Bello na kailangan ang naturang mga manggagawa lalo pa’t umaarangkada ang Build Build Build program ng administrasyon.
Magkakaroon ng pre-registration para sa mga job seekers sa Feb 4, 6 at 7 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa SBMA gym.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.