Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Bacolod City araw ng Sabado.
Ayon kay Bacolod City Fire Marshall Chief Insp. Publio Ploteña, napabayaang kandila ang sanhi ng sunog.
Dahil sa gawa sa light materials ang bahay na pinagmulan ng sunog ay agad na kumalat ang apoy at nadamay ang iba pang bahay.
Umabot sa 11 bahay ang tinupok ng apoy.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa humigit-kumulang P150,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.