NPC, interesado sa plataporma ni Duterte

By Chona Yu November 22, 2015 - 05:48 PM

 

Gusto ng Nationalist Peoples Coalition na mapakinggan ang plataporma ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay NPC spokesman at Quezon Representative Mark Enverga, ito ay bilang bahagi ng kanilang proseso sa pag endorso ng kandidato sa 2016 Presidential elections.

Dagdag ni Enverga na ang executive committee ng NPC ang pipili sa kanilang mamanukin sa susunod na halalan.

Una rito, sinabi ni Enverga na nag-aalangan ang NPC na i-endorso ang kandidatura ng tambalang Senators Grace Poe at Chiz Escudero dahil sa posibilidad na sumabak si Duterte sa presidential race.

Kahapon, inihayag ni Duterte ang plano niyang sumabak sa halalan sa 2016.

Idinahilan ni Duterte na ayaw niyang magkaroon ng isang American President na pinatutungkulan ay si Poe na una nang nag-renounce ng kanyang Filipino citizenship matapos manirahan sa Amerika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.