Grab ipinagbawal sa kanilang mga sasakyan ang political ads

By Den Macaranas February 02, 2019 - 07:25 PM

Nilinaw ng Grab Philippines na hindi sila tatanggap ng anumang uri ng political advertisement sa kanilang mobile application pati na rin sa mga sasakyan ng kanilang driver-partners.

“Grab is a non-partisan company and does not in any way support this form of political promotion,” ayon kay Grab Public Affairs Head Leo Gonzales.

Hinimok rin ng Grab ang kanilang mga kliyente na kaagad na ipagbigay sa kanilang kaalaman kung may mga driver-partners sila na lalabag sa nasabing polisiya.

“While we respect our driver-partners’ political preferences, we reserve the right to take corresponding actions to any violation of our company policies,” ayon pa kay Gonzales.

Samantala, umaabot sa 62 mga kandidato sa pagka-senador ang nasa official list na inilabas ng Commission on Elections (Comelec).

Sa February 12 magsisimula ang panahon ng kampanya para sa mga kandidatong tumatakbo sa national positions.

TAGS: comelec, Grab, policy, Political Ads, comelec, Grab, policy, Political Ads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.