DND sinegundahan ang deklarasyong suicide bombers ang nasa likod ng Jolo twin blasts

By Rhommel Balasbas February 02, 2019 - 04:16 AM

Suportado ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana ang deklarasyon ng pulisya na ang kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral ay bunsod ng suicide bombing.

Ayon kay Lorenzana, ang mga ebidensya ay sapat para sabihing suicide bombers ang may pakana ng pag-atake ngunit patuloy naman anyang kumakalap ng karagdagang ebidensya ang militar.

Giit ni Lorenzana, noon pa mang August 2018 na may banta na sa seguridad ng simbahan ay puspusan na ang screening ng mga bags.

Posible anyang ikinabit sa katawan ang mga bomba na bigo nang mapansin pa ng mga sundalo na nagsasagawa ng screening.

“Those entering were screened. All bags and belongings were checked. The bombs could have been strapped in the body of the bomber and escaped the attention of the soldiers doing the screening,” ani Lorenzana.

Ayon sa opisyal, ang presensya ng mga lasug-lasog na bahagi ng katawan ng tao ay indikasyon na ginawa ang pagpapasabog ng isang suicide bomber.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kagagawan ng suicide bombers ang Jolo twin blasts.

Umabot na sa 22 ang nasawi at 101 ang sugatan dahil sa naturang mga pagsabog.

TAGS: Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana, Jolo twin blasts, suicide bombing, Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana, Jolo twin blasts, suicide bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.