Dayuhan arestado sa paggamit ng pekeng passport sa NAIA
Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang dayuhan dahil sa paggamit ng pekeng passport.
Tinangka ng Malaysian na si Yap Kean Hwa, 30 anyos na pumasok sa bansa gamit ang pekeng Taiwanese passport.
Ayon kay BI ort Operations Division Chef Grifton Medina, nakatanggap na ng impormasyon ang BI na wanted si Yap sa Malaysia kaya gumagamit ito ng pekeng pasaporte.
Kinumpirma din ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila na ang pasaporte ng dayuhan ay nauna nang nanakaw noong 2017.
Nakakulong ngayon sa Immigration facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.