DOF tutol sa panukalang VAT exemption sa produktong petrolyo

By Jan Escosio February 01, 2019 - 07:19 PM

Nagpahiwatig na ang Department of Finance (DOF) ng pag-kontra sa isang panukala sa Senado na bigyan ng exemption sa value added tax o VAT ang mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua, kontra ang Senate bill no. 2163 na inihain ni Senator Koko Pimentel III sa mga hakbangin na mapagaan ang pasan-pasan ng mga pamilyang Filipino na maliit o mababa ang buwanang kita.

Sa panukala ni Pimentel nais nito na maibalik ang VAT exemptions sa mga produktong petrolyo.

Paliwanag ni Chua kapag inalis ang VAT sa mga produktong petrolyo mas makikinabang ang mga may-ari ng sasakyan.

Sinabi pa nito na sa halip na tax breaks ang dapat ibigay ay ibayong tulong sa mga nangangailangan.

Bukod sa 12 percent VAT, komokolekta din ang gobyerno ng karagdagang P4.50 kada litro sa mga produktong-petrolyo na bahagi ng TRAIN law.

Noong nakaraag taon, nakakolekta ng mas mataas na buwis ang Bureau of Internal Revenue na higit 1.9 trillion pesos kumpara sa 1.7 trillion pesos noong 2017 ngunit mababa pa ito sa higit two trillion pesos na collection target.

TAGS: BUsiness, oil products, Radyo Inquirer, Senate, vat, BUsiness, oil products, Radyo Inquirer, Senate, vat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.