LOOK: Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalim sa road repair ngayong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2019 - 04:49 PM

Ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ang sasailalim sa road reblocking at repair ngayong weekend.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) magsisimula ang aktibidad alas 11:00 ng gabi mamaya, (Biyernes, Feb. 1).

Apektado ang sumusunod na mga kalsada:

C5 SOUTHBOUND
– paglagpas ng Lanuza Avenue bago sumapit ng Bagong Ilog Flyover
– harapan ng SM Aura

EDSA SOUTHBOUND
– paglagpas ng Lagarian Creek hanggang Ermin Garcia Street sa tabi ng MRT

NORTHBOUND
– EDSA sa harap ng Philippine College of Surgeons hanggang sa harapan ng Quezon City Academy, 1st lane mula sa sidewalk
– EDSA Light Mall, 1st lane hanggang Jollibee Service Road Mega Mall 2nd lane
– Fairview Avenue Atherton hanggang Regalado Avenue, 2nd lane mula sa center island
– Ramon Magsaysay Boulevard patungong Quiapo mula Ramon Magsaysay Bridge hanggang Pureza Street

Ayon sa DPWH, sa Lunes, February 4 alas 5:00 ng umaga ay bubuksan na sa mga motorista ang lahat ng apektadong lansangan.

TAGS: DPWH, Metro Manila, mmda, road reblocking, road repair, DPWH, Metro Manila, mmda, road reblocking, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.