Jaywalkers, isasama na sa alarm list ng NBI

By Jan Escosio February 01, 2019 - 01:09 PM

Malalagay na sa alarm list ng National Bureau of investigation (NBI) ang mga nahuli sa jaywalking kapag binalewala nila ang multa.

Ito ay matapos bigyan kapangyarihan ng Metro Manila Council ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang mga local anti-jaywalking ordinances ng 17 local government units sa kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia ito ang napagkasunduan matapos ang pulong ng konseho kahapon.

Bukod sa multa maari ding magserbisyo sa komunidad ang mga mahuhuli sa jaywalking.

Paliwanag ni Garcia kapag binalewala ang jaywalking citation ticket, ibibigay nila ang pangalan ng lumabag sa NBI para maisama sa alarm list.

Sa ngayon, multang P500 ang kahaharapin ng mga lalabag sa anti-jaywalking ordinance.

TAGS: alarm list, General Manager Jojo Garcia, Jaywalkers, magserbisyo sa komunidad, mmda, multang P500, NBI, alarm list, General Manager Jojo Garcia, Jaywalkers, magserbisyo sa komunidad, mmda, multang P500, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.