Report sa reklamong sexual harassment laban sa mataas na opisyal ng NEDA hawak na ni Pangulong Duterte
Hinihintay na lang ang gagawing hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mataas na opisyal ng National Economic and Development Authority o NEDA na ipinagharap ng reklamong sexual harassment ng isang empleyado ng ahensiya.
Ipinadala ng NEDA ang resulta ng pag-iimbestiga sa alegasyon base sa rekomendasyon ng kanilang Committee on Decorum and Investigation o CODI.
Nabatid na ang inirereklamo ay isang third-level official na kabilang sa mga itinalaga ni Pangulong Duterte.
Ang insidente ay unang ibinunyag sa Philippine Daily Inquirer.
Sa mga naunang pahayag ng NEDA, inihayag na agad na kumilos ang pamunuan ng ahensiya nang matanggap ang pormal na sumbong sa pamamagitan ng pag-iimbestiga sa sinasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.