Magkakapatid kritikal sa sunog sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2019 - 06:24 AM

Kritikal ang kondisyon ng tatlong batang magkakapatid sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Barangay 144, Bagong Barrio, Caloocan City Biyernes ng madaling araw.

Nagsimula ang sunog sa alas 12:31 ng madaling araw na umabot lang ng unang alarma.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Brian Pascual,nagtamo ang mga bata ng third-degree burns sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Hinihinalang ang naiwang kandila ang pinagmulan ng apoy dahil walang kuryente sa bahay ng pamilya.

Tulog ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Nakakandado ang pintuan sa labas ng bahay dahil lumabas umano ang ama nila para bumili ng pagkain.

Ala 1:17 ng madaling araw nang ideklarang under control na ang sunog.

TAGS: caloocan, fire incident, Radyo Inquirer, caloocan, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.