Naghayag na ng kahandaan na tumakbo sa pagka-presidente si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Iyan ay dahil sa dismayado umano siya sa naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal sa disqualification case laban kay Senadora Grace Poe.
Pero paglilinaw ni Duterte, hindi siya kontra sa senadora, subalit ang posisyon ng pagka-pangulo ay nararapat lamang sa tunay na Pilipino.
Kung sakali man aniyang masungkit ni Poe ang pagiging pangulo, ito ay magiging ‘presumptive’ president dahil sa isyu ng kanyang citizenship at iyon umano ay hindi niya matatanggap.
Hinamon din ni Duterte si Poe na ipakita ang ina na nagluwal sa kanya para patunayang siya nga ay tunay na Pilipino, at kapag nagawa aniya ito ng senadora ay siya pa mismo ang mangangampanya para dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.