Oil price hike at 2nd excise tax malaki ang epekto sa January inflation rate – BSP

By Rhommel Balasbas February 01, 2019 - 03:47 AM

File Photo

Posibleng pumalo sa pagitan ng 4.3 hanggang 5.1 percent ang inflation rate para sa buwan ng Enero ayon sa Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Noong December 2018 bumagal ang inflation rate sa 5.1 percent na pinakamababa mula June 2018.

Ayon sa BSP-DER, ang pangunahing salik na makaaapekto sa inflation rate para sa buwan ng Enero ay ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at ang ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Matatandaang tumaas ng P2 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel, P1 kada litro sa gaas at P1 din kada kilo ng LPG dahil sa ikalawang bugso ng excise tax.

Posibleng makaapekto din sa January inflation rate ang mataas na presyo ng isda at gulay at ang annual adjustments sa excise tax ng alcoholic beverages dahil sa Sin Tax Law.

Samantala, ang mga pagtaas sa presyo ay posibleng matapatan naman nang kaunti ng pagbaba sa singil sa kuryente at paglakas ng piso.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, January 2019 inflation rate, Philippine economy, Bangko Sentral ng Pilipinas, January 2019 inflation rate, Philippine economy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.