Bagyong Infa papasok sa PAR linggo ng gabi

By Chona Yu November 22, 2015 - 07:06 AM

InfaInaasahang papasok na mamayang gabi sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Infa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA Forecaster Samuel Duran na oras na pumasok sa PAR, tatawagin itong Bagyong Marilyn.

Sa ngayon ay nasa 1,400 kilometers East ng Visayas ang Typhoon Infa taglay ang hangin na 175 kilometers per hour at pagbugso ng 210 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour.

Ayon kay Duran, maliit ang tsansa na maglandfall sa alin mang bahagi ng Pilipinas ang Bagyong Infa.

Dagdag pa ni Duran, sakaling makapasok sa PAR ang Bagyong Infa, ito ang kauna-unahang bagyo na papasok sa Pilipinas sa loob ng buwan ng Nobyembre at panglabing tatlong bagyo ngayong taon.

TAGS: Bagyong Marilyn, Typhoon Infa, Bagyong Marilyn, Typhoon Infa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.