Magkakahiwalay na pagyanig naitala sa Southern Leyte, Davao Occidental at Cagayan

By Rhommel Balasbas January 31, 2019 - 04:00 AM

Tatlong magkakahiwalay na pagyanig ang naitala ng Phivolcs sa tatlong lalawigan sa buong magdamag.

Alas-12:01 ng hatinggabi, tumama ang isang magnitude 3.0 na lindol sa Southern Leyte.

Ang episentro ng lindol ay sa layong anim na kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Hinundayan.

May lalim itong apat na kilometro.

Magnitude 3.4 na lindol naman ang naitala sa Davao Occidental alas-12:55 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 58 kilometro Timog-Silangan ng bayan Don Marcelino.

May lalim naman itong 124 kilometro.

Niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang Cagayan kaninang alas-3:52.

A ang episentro ng lindol ay sa layong 39 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Gonzaga.

May lalim itong 19 kilometro.

Naitala ang instrumental intensity I sa Gonzaga, Cagayan.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Hindi rin inaasahan ang mga kasunod pang lindol o aftershocks.

TAGS: earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.