Mislatel nanindigan na valid pa rin ang kanilang prangkisa

By Len Montaño January 30, 2019 - 07:39 PM

Inquirer file photo

Iginiit ng nanalong 3rd telco player na Mindanao Islamic Telephone Company Inc. (Mislatel) na valid ang kanilang prangkisa.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Mislatel spokesman Adel Tamano na walang positibong aksyon gaya ng quo warranto procedure para marevoke ang prangkisa ng kumpanya.

Samantala, naghahanap ang Senado ng posibleng mga hakbang para maayos ang depekto at kwestyon kaugnay ng prangkisa ng Mislatel.

Sa pagtatapos ng hearing ng Senate committee on public services, iginiit ni chairperson Senator Grace Poe na dapat tugunan muna ang probisyon na revocation sa prangkisa.

Dapat anyang ayusin ang problema sa franchise provision hindi lamang ng Mislatel kundi sa pangkalahatan na binibigyan ng prangkisa para maging malinaw ito.

Ayon sa Senadora, dapat mawala ang duda bunsod ng mga salita na ginamit sa naturang probisyon.

Una nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maituturing na revoked ang prangkisa ng kumpanya dahil sa kabiguan na mag-operate ng isang taon matapos itong mabigyan ng franchise ng Kongreso noong 1998.

TAGS: mislatel, poe, Senate, telco, mislatel, poe, Senate, telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.