Heroes’ Lounge sa 24 na mga paliparan sa bansa, magagamit na ng mga bumibiyaheng sundalo at pulis
Binuksan na ang heroes’ lounge sa 24 na mga paliparan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang heroes’ lounge ay para sa mga bumibiyaheng uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Makikinabang din sa nasabing heroes’ lounge ang mga retiree, Medal of Valor awardees, pati na ang mga kaanak na kasama nilang bumibiyahe.
Ang heroes’ lounge sa mga paliparan ay may kumportableng mga upuan at Wi-Fi connection.
Inilunsad ang naturang proyekto bilang pasasalamat sa serbisyo at sakripisyo ng ating mga sundalo at pulis upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Narito ang listahan ng mga paliparan na mayroong heroes’ lounge:
• Puerto Princesa International Airport
• General Santos International Airport
• Zamboanga International Airport
• Davao International Airport
• Kalibo International Airport
• Laoag International Airport
• Iloilo International Airport
• Butuan Airport
• Laguindingan Airport
• Bacolod-Silay Airport
• Cotabato Airport
• Tacloban Airport
• Dipolog Airport
• Dumaguete Airport
• Legazpi Airport
• Naga Airport
• Pagadian Airport
• Roxas Airport
• San Jose Airport
• Bohol-Panglao International Airport
• Tuguegarao Airport
• Virac Airport
• Cauayan Airport
• Ozamiz Airport
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.