NDFP consultant patay sa pananambang sa Nueva Vizcaya
Nasawi sa pananambang ang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Randy Felix P. Malayao.
Tinambangan sa loob ng pampasaherong bus sa bayan ng Aritao sa Nueva Vizcaya ang biktima alas 2:30 ng madaling araw ng Miyerkules (Jan. 30).
Sa ulat ng Inquirer Northern Luzon, nakahinto sa bus stop ang sinasakyang bus ni Malayao nang sumakay ang gunman at nilapitan ang natutulog na biktima at saka siya binaril.
Bago kanselahin ng pamahalaan ang peacetalks sa CPP-NDF-NPA, si Malayao ay nakadalo sa mga peace negotiation na ginanap sa Europa bilang consultant.
Umakto rin siyang tagapagsalita ng NDFP Negotiating Panel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.