Temperatura sa Baguio City, bumagsak sa 9.0 degrees Celsius ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo January 30, 2019 - 07:44 AM

(UPDATE) Bumagsak pa sa 9.0 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City ngayong umaga ng Miyerkules, Jan. 30.

Ayon ka PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, alas 6:30 ng umaga naitala ang naturang temperatura na mas mababa pa kumpara sa 9.8 degrees Celsius na naitala dalawang araw ang nakararaan.

Ang 9.0 degrees Celsius na naitala ngayong umaga ang pinakamababang temperatura sa Baguio City na naitala ngayong Enero 2019.

Sa susunod na dalawang araw nakatakdang magsimula ang mga aktibidad para sa month-long na Panagbenga Festival.

Dahil dito, pinapayuhan ng Office of the Civil Defense sa Cordillera ang mga residente at mga turista na magbaon ng makakapal na damit panlaban sa lamig.

Taong 1961 nang maitala ang pinakamababang temperatura sa kasaysayan ng Baguio City na 6.3 degrees Celsius.

TAGS: baguio city, Temperature, weather, baguio city, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.