Fil-Am actor na si Daren Criss nagwagi sa Screen Actors Guild Award
Muling nakakuha ng parangal ang Fil-Am Actor na si Daren Criss.
Nakuha ni Criss ang Outstanding Performance by a Male Actor in a Television Movie or Miniseries award sa katatapos na 25th Screen Actors Guild Awards.
Nakuha ni Criss ang pagkilala para sa kaniyang pagganap bilang serial killer na si Andrew Cunanan sa “The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story”.
Sa kaniyang serye ng Tweet pinasalamatan ni Criss ang lahat ng malapit sa kaniya para sa tinanggap niyang parangal kabilang na ang mga nakasama niya sa serye.
Kamakailan, nanalo din si Criss bilang Best Peformance by An Actor in a Limited Series or a Motion Picture Made for Television para sa nasabing role sa katatapos ding Golden Globe Awards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.