Mga watawat sa Sulu inilagay sa half-mast kasunod ng pagsabog sa Jolo

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2019 - 10:07 AM

Matapos ang malagim na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral inilagay na sa half-mast ang lahat ng watawat ng Pilipinas sa lalawigan ng Sulu.

Sa nilagdaang executive order ni Sulu Gov. Abdusakur Tan II, lahat ng Philippine Flag sa buong lalawigan ay ipinalagay sa half-mast simula kahapon, araw ng Lunes (Jan. 28).

Tatagal ito sa loob ng limang araw o hanggang February 1, 2019.

Ito ay bilang pagluluksa matapos ang malagim na insidente ng pagsabog na ikinasawi at ikinasugat ng marami.

Inatasan ang lahat ng government at private institutions, offices, mga korte, paaralan, local government units, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tumugon sa kautusan.

TAGS: half mast, jolo sulu bombing, Sulu, half mast, jolo sulu bombing, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.